June 13, 2012

Ang Araw

Nakatingala ang asul na karagatan sa maningning na sikat ng araw. Nahahalina sa maya't-mayang pagbibigay liwanag nito sa kapaligiran.

Sa mga nakalipas na taon, nagsilbi kang araw ko. Maningning, nakakaakit, nakakamangha...nakakatakot. Gaya ng araw, madilim ang paligid pag wala ka. Sanay akong nangangapa sa dilim dati subalit ng dumating ka, unti-unti na pala akong natutong umaasa sa iyong tanglaw. Gaya ng araw, nakakapaso ang iyong presensiya. Ang iyong mga haplos, ang iyong pagkatao, lalong-lalo na ang iyong mga salita.

Gaya ng araw, iniwan mo din ako. Bumabalik ka lang kung kelan mo gusto. Kung kelan sumasaya na ako sa presensiya ni buwan, magpapakita ka na naman at pupukawin ang aking atensiyon. Hay...